Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
At Home Logo - Dark Grey

Integrity Hotline ng Magsalita

 

Mag-ulat ng Alalahanin Online

Pinadadali ng online platform ma walang pagkakakilanlang mag-ulat ng insidente tungkol sa mga usaping pang-lugar ng trabaho; hindi etikal na asal; o mga pinaghihinalaang paglabag sa batas, mga pangkaligtasang pamantayan sa lugar ng trabaho, o mga polisiya at prinsipyo ng kompanya.

Mag-ulat ng Alalahanin sa Telepono

Kung mas gusto mong makipag-usap sa isang tao, ang walang kinikilingang ikatlong partidong kinatawan ay handang tumulong sa iyo, sa Ingles o Espanyol, na may walang pagkakakilanlang intake gamit ang telepono.

 

 

Kapag nagsalita ka,
Ginagawa Mo ang Tamang Bagay.

Binibigyan namin ng kapangyarihan ang Mga Miyembro ng aming Pagkat na magsalita kapag may mga alalahanin sila para makatulong na mapanatili ang kultura ng At Home ng pagbibigay prayoridad sa etika. Hinihikayat ka naming magkaroon ng bukas na komunikasyon sa mga superbisyo mo, lalo na ang alinsunod sa mga pang-araw-araw na usapin na nagaganap sa lugar ng trabaho. Pero napapagtanto namin na minsan ang direktang komunikasyon ay hindi angkop. Ang Integrity Hotline ng Magsalita ay isang maa-access, madaling gamiting tool na nagpapahintulot sa lahat ng mga Miyembro ng Pangkat na maging kumportable at ligtas sa pagsusumbong ng mga alalahanin tungkol sa mga pamantayan sa kaligtasan sa lugar ng trabho, mga paglabag sa mga patakaran ng kompanya, o mga paglabag sa batas. Magagamit din ito ninuman na kailangang mag-ulat ng panloloko, mga kasalungatan sa interes, mga pinansiyal na kasanayan, mga alalahanin sa pagkapribado at seguridad, at mga ibang etikal na usapin.

Basahin ang Liham ng CEO

Mas Higit isang Tanong sa halip na Alalahanin?

Kung mayroon kang tanong sa etika o pagtupad o tanong tungkol sa patakaran ng kompanya, maaari kang walang pagkakakilanlan at kumpidensiyal na magtanong.

Pag-follow-Up

Masusuri mo ang katayuan ng ulat mo o tanong gamit ang numero ng pag-access at password na nilikha mo noong isinumite mo ang ulat o tanong.

Mga Madalas Itanong

    Dapat kang mag-ulat ng mga alalahanin tungkol sa mga sumusunod na paksa: 

    • Mga Reklamo o Alalahaning Kaugnay ng Accounting/Audit
    • Panunuhol at Mga Kickback
    • Pambu-bully
    • Mga Paglabag sa Kodigo ng Asal
    • Pagsunod sa Mga Batas, Patakaran at Mga Regulasyon
    • Mga Kasalungatan ng Interes
    • Coronavirus
    • Diskriminasyon
    • Mga Relasyon sa Empleyado
    • Mga Paglabag sa Etika
    • Pagpapalsipika ng Mga Dokumento
    • Panloloko
    • Panliligalig
    • Seguridad ng Impormasyon
    • Mga Paglabag sa Patakaran
    • Mga Alalahanin sa Kalidad
    • Paghihiganti
    • Mga Alalahanin sa Kaligtasan
    • Seksuwal na Panliligalig
    • Pang-aabuso sa Sangkap
    • Pagnanakaw o Bandalismo
    • Banta ng Karahasan
    • Hindi Propesyonal na Pag-uugali
    • Maling Terminasyon

    Ang sinumang empleyado, miyembro, kontratista, o ikatlong artido na nakita ang sarili nila sa sitwasyon na maaaring magpaalam ng legal o mga etikal na usapin o nakilala sa kodigo ng asal, ay maaaring mag-ulat ng mga alalahanin.

    Ang Integrity Hotline ng Magsalita ng At Home ay suportado ng organisasyong tinatawag na Convercent. Ang Convercent ay isang organisasyon na nakatuon sa pagbubuo ng pinakamahusay sa klaseng solusyon sa etika at pagtupad. Nagbibigay ito ng imprastraktura ng Integrity Hotline at nag-eempleyo ng walang kinikilingang, mga ikatlong partidong kinatawan na maaaring sumagot ng mga tawag at text mo (anonymous o kung hindi man). Ang mga empleyado ng Convercent ay walang pagsapi sa At Home, pinahihintulutan ang Mga Miyembro ng Pangkat na magbahagi ng mga alalahanin o mag-ulat ng mga insidente, habang madaling nagpapanatili ng walang pagkakakilanlan at pagkanlong sa kapaligiran kung saan ang bawat boses ay maririnig.

    Matapos mo ito isumite, ang ulat mo sa insidente ay tatanggapin ng Convercent at ipapadala sa mga indibiduwal na naituring na angkop sa loob ng iyong organisasyon. Pangangasiwaan ng organisasyon mo ang lahat ng mga ulat ng insidente ayon sa panloob nitong mga pamamaraan sa imbestigasyon.

    Sa lahat ng mga pagkakataon, gagawin lahat ng magagawa para siguruhin na ang impormasyong kaugnay ng naulat na insidente ay napanatiling kumpidensiyal at nakomunika sa batayang kailangan lang malaman. Nasa ibaba ang magkakaibang lebel ng kawalan ng pagkakakilanlan na maaaring pagpilian mo:

    • Manatiling ganap na hindi kilala: Hindi mo isisiwalat ang iyong pangalan o impormasyon sa pagkontak. Ang pagkakakilanlan mo ay ganap na protektado sa ulat ng insidente.

    • Manatiling hindi kilala patungo sa organisasyon mo: Kumportable kang isiwalat ang iyong pangalan at impormasyon sa pagkontak sa Convercent, pero hindi sa iyong organisasyon. Maaaring kumpidensiyal na kontakin ka ng Convercent para kumalap ng karagdagang impormasyon tungkol sa ulat pero hindi isisiwalat ang pagkakakilanlan mo anumang oras sa inyong organisasyon.

    • Ibahagi ang aking pangalan at impormasyon: Wala kang pakialam sa kawalan ng pagkakakilanlan. Pinili mong isiwalat ang iyong pangalan at pagkakakilanlan sa iyong organisasyon at sa Convercent.

    All Rights Reserved